Skip to main content

Pirates of the Caribbean: At World’s End

(review in Filipino)
Yo ho, suki!*
Rebyu ni Vives Anunciacion

Pirates of the Caribbean: At World’s End
Directed by Gore Verbinski
Starring Johnny Depp, Orlando Bloom, Kiera Knightley
GP/ 168 minutes
Walt Disney Pictures
*** (3 stars)



Tuloy ang pamimirata sa ikatlo at pinakamaaksiyon (pero malamang hindi pa huling) Pirates of the Caribbean kung saan magsasanib ang mga pwersa ng mga pirata laban sa East India Company. Huwag aalis ng sinehan hanggat hindi tapos ang end credits, dahil ang bonus na eksena’y malamang wala sa pirated dvd.

Nagpapatuloy ang mga adventures nina Captain Jack Sparrow (Johnny Depp), Will Turner (Orlando Bloom), Elizabeth Swann (Kiera Knightley) at Captain Barbossa (Geoffrey Rush) sa isang magulo, maaksiyon at makwelang palabas na magsasara sa mga kwento ng Pirates 1 at Pirates 2, pero magbubukas naman ng posibilidad para sa Pirates 4.

Sa At World’s End, magkikita sina Barbossa, Elizabeth at Will sa Singapore upang hingiin ang tulong ni Sao Feng (Chow Yun Fat) at ng lahat ng mga panginoon ng pirata para bawiin si Captain Jack Sparrow mula sa mala-purgatoryong Davy Jones’ Locker, at sa gayon din ay matanggal ang sumpa sa ama ni Will na si Bootstrap Bill Turner (Stellan Skarsgård).

Pero ang kanilang pagsasanib-pwersa ang maglalagay sa kanila sa kapahamakan dahil ang Royal Navy at ang East India Company, sa pangunguna ni Lord Beckett (Tom Hollander), ay susugod upang tuluyang burahin ang pamimirata sa karagatan, gamit ang makapangyarihang barkong Flying Dutchman sa ilalim ni Day Jones (Bill Nighy).

Tulad ng mga nakalipas na Pirates, convoluted pa rin ang malawak na kwento, makulay pa rin ang pananalita ni Barbossa at may pilantik pa rin ang mga daliri ni Jack Sparrow. Nagbabalik ang lahat ng nakagisnang karakter mula pa nang Pirates 1 at karamihan ng mga elemento ng Curse of the Black Pearl at Dead Man’s Chest ay bibigyan ng magarbong kahulugan (at katapusan?) sa At World’s End. Bida rin ang mga Asyano dito dahil mahusay ang labas ni Chow Yun Fat bilang pirate lord Sao Feng, pero huwag kaligtaan ang Fil-Am na si Reggie Lee bilang si Tai Huang na sidekick ni Sao Feng.

Di tulad ng Dead Man’s Chest na pantawid lang para iset-up ang ikatlong Pirates, mas may kabuluhan ang mga pangyayari at mas malaki ang aksiyon na parang walang katapusang amusement ride ang At World’s End mula puno hanggang dulo. Pero nagbabadya pa ang isang Pirates 4 na malamang may kinalaman sa Fountain of Youth. Kung ganito kasaya ang mga franchise movies, ok lang magkaroon ng ilan pang kasunod. Basta masaya. Sabi nga ni Beckett, “It’s all business.”


*my review for Pirates of the Caribbean: The Curse of the Black Pearl in 2003 was titled "Ahoy, dibidi, dibidi"

Comments

Popular posts from this blog

Hairspray

(review in Filipino) (longer review in English at rvives.wordpress.com) Ang haba ng hair! Rebyu ni Vives Anunciacion Inquirer Libre November 11 2008 Direksiyon ni Bobby Garcia Music & Lyrics Marc Shaiman, Lyrics Scott Wittman Starring Michael de Mesa, Madel Ching Palabas hanggang December 7 sa Star Theater, CCP Complex Big, bright and beautiful ang local staging ng Atlantis Productions ng sikat na Broadway musical na Hairspray. Pero ang may pinakamahabang hair ay si Michael de Mesa na gumaganap na Edna Turnblad, ang big momma ng bida na si Tracy (Madel Ching). Traditionally, ang role ni Edna ay ginagampanan ng lalaki mula pa sa original na pelikula ni John Waters noong 1988 hanggang maging musical ito sa Broadway noong 1998 at maging musical movie last year kung saan si John Travolta ang gumanap sa role ni Edna. Set in Baltimore, Maryland in 1962, ang Hairspray ay tungkol sa mga pangarap ng malusog na teenager na si Tracy Turnblad na makasali sa paborito niyang teenage dance show s...

For honor

Review by Vives Anunciacion Cinderella Man Directed by Ron Howard Written by Cliff Hollingsworth Starring Russell Crowe. Renee Zellweger, Paul Giamatti PG 13/ 144 minutes Universal Pictures/ Miramax Films Opens September 14 There’s a movie about a people’s champ that’s inspiring to see. It’s not Lisensyadong Kamao. Cinderella Man, starring former Roman Gladiator Russell Crowe is a rousing fairy tale if it is one. Jim Braddock (Russell Crowe) is a promising heavyweight boxer who is forced to retire early due to a disabling wrist injury. Out of work during in early years of the Great Depression, Braddock struggles every day to feed his young family. Temporary work in the local wharf restores his physical strength, but the pay isn’t enough to keep the kids warm in winter. Jim’s tough talking manager Joe Gould, passionately played by Paul Giamatti (from Sideways), enlists him for a one-time supporting bout, which Jim wins much to everyone’s surprise. The win earns Jim recognition from his ...

War and remembrance

Review by Vives Anunciacion Inquirer Libre January 31 2005 A Very Long Engagement / Un long dimanche de fiançailles Directed by Jean-Pierre Jeunet Written by Jeunet & Guillaume Laurant Based on the novel by Sebastien Japrisot Starring Audrey Tautou, Gaspard Ulliel, Dominique Pinon R13/ 134 minutes Warner Independent Pictures With English subtitles Opens February 2 “Once upon a time there were five French soldiers who had gone off to war, because that’s the way of the world.” – Sebastien Japrisot, A Very Long Engagement January, 1917 at the height of World War 1: five French soldiers are condemned to march into no man’s land for shooting their own hands in their attempt to avoid going into the front lines against the Germans. The five – a farmer, a mechanic, a pimp, a carpenter and a young fisherman – are taken to the trenches in Somme between France and Germany. Their bodies are eventually recovered from the trenches. Years pass, and lonely Mathilde receives ...