Skip to main content

Posts

Showing posts with the label gay movie

Quicktrip

Pantawid Rebyu ni Vives Anunciacion Inquirer Libre September 3, 2008 Review in Filipino Written, Directed and Produced by Cris Pablo Sept 3-9 sa Robinson’s Galleria IndieSine Rated R, gay film May karapatan bang lumigaya ang breadwinner na bakla? Ito ang gustong sagutin ng pelikulang Quicktrip ni producer-director Cris Pablo, isa sa mga pinakaunang filmmaker na nagrelease commercially ng digital film sa isang sinehan nang itanghal ang Duda/Doubt sa SM Megamall noong 2003. Masasabing isang unresolved study ang Quicktrip tungkol sa sitwasyon ng mahirap na bakla na hindi nakapaglaladlad dahil sa pangangailangan ng mga taong umaasa sa kaniya. Isang hamak na waiter si Cris (Topher Barreto) na pinagkakasya ang karampot na kinikita para sa gamot ng sakiting ina, upa sa maliit na bahay, pagkain, pamasahe at pambaon ng dalawang nakababatang kapatid. Hindi nila alam na bakla si Cris. Kung may tira sa sahod, ipinanlilibre niya ito sa call center agent boyfriend na Dexter (Ian Atocador). Magse-ce...