(in filipino)
Rebyu ni Vives Anunciacion
Borat: Cultural Learnings of America for Make Benefit Glorious Nation of Kazakhstan
Directed by Larry Charles
Starring Sacha Baron-Cohen
R:18 / 82 minutes
Twentieth Century Fox
**** (4stars)
Barok siya kung mag-Ingles, pero parang tayo rin pag dinurugo na sa tainga kakausap sa mga dayuhang bisita dito sa atin. See Borat. See Borat movie film. Pwede na ba Ingles ko?
Si Borat Sagdiyev (Sacha Baron-Cohen, mas kilala bilang Ali-G) ay isang TV reporter na inatasang mag-observe sa kulturang Amerika at gumawa ng documentary para sa ikauunlad ng bansang Kazakhstan (dating probinsiya ng nasirang U.S.S.R.) Mula New York hanggang Los Angeles, maghahasik si Borat ng lagim at katatawanan upang ipapakita ang ibang anyo ng pamumuhay sa Amerika na di madalas ipakita ng Hollywood o ng CNN.
Isa itong mockumentary o isang pekeng dokumentaryo na pinapakita ang “normal” na kulturang Amerikano sa mata ng isang foreigner. Sa isang banda maaaring ganito rin ang maging karanasan ng isang Pinoy na mapapadpad sa Amerika na walang karanasan sa kanilang kultura. Ilang pelikula na nina Dolphy at Chiquito ang may ganitong tema para gawing kakatawa ang nagtutunggaling lenggwahe at pamumuhay, culture clash kumbaga.
Ang mas mahalagang punto ng palabas ay hindi lang ang ipakita ang mga kakatawang gawain ni Borat kundi ang pagpapakita sa natural na reaksiyon ng mga ordinaryong Amerikano sa isang weird na dayuhan tulad ni Borat.
Tinatawid ng Borat ang linya kung alin ang kakatawa, bastos at shocking pero ang mas nakakabilib ay si Cohen na kung tutuusin ay isang matapang na performance artist, at kahit alam niyang hindi na siya igagalang na tao sa mga pinaggagawa niya, naitatawid pa rin iyon.
Watch na the Borat, is very funny. Pero watch it more so because it gives us, non-Americans a good reason to laugh at Americanisms.

0 comments:
Post a Comment