Sunday, February 26, 2006

The bright side of life


DVD review by Vives Anunciacion

Everything is Illuminated
Written and Directed by Liev Shrieber
Based on the book by Jonathan Safran Foer
Starring Elijah Wood, Eugene Hutz
105 minutes/ Region 3
Warner Home Video

Comedy/ Drama
DVD Features: Additional Scenes, Theatrical Trailer, English and Thai Language
Widescreen version
Dolby Digital 5.1 Surround
DVD: P499 VCD: P275
Now available in video stores

Recently the tv show Wish Ko Lang ran an episode about a woman who has been searching for her biological mother for 22 years. The show helped her track down the mother’s whereabouts and mother and daughter were reunited eventually. Nangyayari rin ito sa ibang lahi, sa ibang bansa. Isang universal force ang paghahanap natin ng pinagmulan ng mga tao man o ng mga bagay. Ito rin ang pwersa ng kwento ng Everything is Illuminated.

Batay sa short story at nobela ni Jonathan Safran Foer, ang Everything is illuminated ay tungkol sa paghahanap ng isang Jewish American sa babaeng nagligtas sa kaniyang lolo nang lusubin ng mga German Nazi ang Ukraine noong WWII. Maglalakbay sa kanayunan ng Ukraine si Jonathan (Elijah Wood) sa tulong ng kaniyang interptreter na si Alex (Eugene Hutz), ang hip-hop na Ukrainian na nagpupumilit mag-Ingles at ng lolo nitong drayber na si Alexander Sr. (Boris Leskin) na nagpapanggap naman na bulag. Hanap nila ang lumang bayan ng Trachimbrod kung saan huling natagpuan ang babaeng si Augustine (Teresa Veselkova), ang babaeng nagligtas sa lolo ni Jonathan.

This is a road movie kaya sa kanilang paglalakbay, maraming nakakatawang cultural interactions ang magaganap sa magkakasama. Si Jonathan na isang writer sa Amerika ay nagongolekta ng kung anu-anong bagay bilang remembrance, si Alex naman itong nagpapaka-Amerikanong Ukrainian kahit saliwa mag-Ingles. Pero higit sa mga nakatatawang interactions, mauungkat nila Jonathan ang ilang mahahalagang piraso ng nakaraan sa kanilang mga buhay.

When they do find Augustine, maraming sikreto ang mabubunyag at isang mahalagang detalye ng nakaraan ang mag-uugnay sa kanilang tatlo at magpapaliwanag kung bakit ganun ang trabaho ng lolo ni Alex at kung bakit napadpad sa Ukraine si Jonathan.

As a first film by actor-turned writer/director Liev Shrieber, Everything is Illuminated is a commendable attempt to translate to the screen a very complex and compelling novel about keeping our memories and giving closure to them.

Maganda ang music at nakatatawa ang lenguwahe at ilang eksena. Most of the time the movie looks good, thanks to Fil-Am cinematographer Matthew Libatique (who also photographed Phone Booth, Gothika, and the definitive Requiem for a Dream.)

Pero pwera sa magagandang shots, madalas hindi swabe ang pagsalaysay. This may work for the narrative structure of the book, pero hindi ito madali sa pelikula lalu na kung nilalagyan ito ng dramatic points. Hindi dynamic ang salaysay ng pelikula na pagkaraan ng 30 minutes, alam mo na ang saan na ito sisikot-sikot.

Performances are generally more than good, lalu na mula sa baguhang si Eugene Hutz na talagang nakakatawa bilang isang interpreter na nagma-masaker ng wikang Ingles. Kelan ba kayo huling kumausap ng banyaga na nagkaintindihan kayo ng deretso? Swak naman si Elijah Wood bilang isang binatang detached sa mga surroundings niya.

Overall, nakakaaliw ang Everything is Illuminated, pero mas nakaaaliw ang aklat. Kung bibilhin ang dvd, maganda rin kung sasamahan na basahin ang aklat nito para mas maaliw. Pero orig lang ha.

0 comments: