(review in Filipino)
Bean there, bean that
Rebyu ni Vives Anunciacion
Inquirer Libre, May 28, 2007
Rebyu ni Vives Anunciacion
Inquirer Libre, May 28, 2007
Mr. Bean’s Holiday
Direksiyon ni Steve Bendelack
GP/ 90 minuto
Universal Pictures/ Studio Canal
** ½ (2 ½ stars)
Kung tutuusin, isa siyang salot na may kasunod na disgrasya saan man siya mapadpad, anuman ang kaniyang gawin. Nakatatawa man si Mr. Bean (Rowan Atkinson) sa TV, hindi ibig sabihin ganoon din iyon kaagad sa pelikula. Buti na lang, pwedeng tiisin.
Sa Mr. Bean’s Holiday, panalo sa raffle ng trip to France si Mr. Bean (first name, ayon sa passport niya, ay Rowan). Dying to see the dagat si Mr. Bean, kaya tuwang-tuwa siya nang manalo. Pero gaya ng nangyayari sa kaniya sa TV, sangkaterbang kamalasan ang kanyang matitikman marating lang ang mainit na buhangin ng Cannes, France. Malamang hindi pa nila naririnig ang Boracay.
Gamit ang kaniyang handheld video camera, malilibot ni Mr. Bean ang magagandang tanawin sa France bago niya marating ang Cannes. Sa kanyang paglalakbay, makakasama niya ang isang batang lalaki na nahiwalay sa ama (dahil na rin kay Mr. Bean), pero buti na lang sa Cannes din sila lahat magkikita.
Halos walang dialogue ang Mr. Bean’s Holiday kaya konting tiis ang kailangan sa pagitan ng mga patawa at pangyayari. Mahusay na physical comedian si Rowan Atkinson kaya nga sumikat siya bilang Mr. Bean, pero sa mga panahon na wala masyadong nangyayari sa eksena, lalu na’t wala itong dialogue ay medyo nakakaantok ito. Ang ilang gag ay may kalumaan na, gaya ng pagsayaw niya sa gitna ng kalye sa iba’t ibang tugtog, at ang ilang sitwasyon naman ay hindi nakakaaliw, gaya nang mapadpad siya sa gitna ng shooting ng isang commercial.
Sa ilang sitwasyon naman, lalu na sa ending, masaya naman ang kinalabasan, dahil gaano man ka-weird si Mr. Bean, palaging happy ang ending sa kaniya. Hindi man nakabubusog ang kwento, busogin na lang ang panonood sa magagandang tanawin sa isa sa pinakamagandang bansa sa mundo.
[Not in the published review: It plays out like a traveler's nightmare, a murphy's law for tourists until it becomes some weird filmmaker's joke about becoming an attraction in the Cannes Film Festival. Tepid, tiresome and tragically inane, Mr. Bean's Holiday is better off as a sideshow short film in family-oriented theme parks than a commercial release. Parents, take your kids to the museum instead.]
0 comments:
Post a Comment