Rebyu ni Vives Anunciacion Inquirer Libre May 21, 2006 Over the Hedge Direksiyon nina Tim Johnson, Karey Kirkpatrick Panulat nina Len Blum, Lorne Cameron Base sa cartoon strip nina Michael Fry at T Lewis Tampok sina Bruce Willis, Garry Shandling, Steve Carell GP/ 83 minuto DreamWorks Animation Nakaramdam na ba kayo ng sugar rush? Yung mapa-palpitate ang puso niyo at makakaramdam ng pangangailangan para kumilos ng mabilis. Parang ganun ang Over the Hedge – malasa, mabilis at mapapangiti kayo sa saya. Si RJ (boses ni Bruce Willis) ay isang maabilidad na raccoon na nasanay na sa junk food at kagamitan ng tao. Sa tindi ng gutom isang gabi ay madidisgrasya niya ang inipong pagkain ng isang nagha-hibernate na oso (si Vincent, binosesan ni Nick Nolte). Bibigyan ni Vincent si RJ ng isang lingo para mag-ipon ng kapalit na pagkain, kundi’y si RJ ang kakainin ng oso. Samantala, magugulat na lang sina Verne (ang seryoso at mabusising pagong na binosesan ni Garry Shandling), Hammy (ang neurotic at ...
Film reviews published in Inquirer Libre