Kung ‘kay tabatchoy Review by Vives Anunciacion Inquirer Libre June 13, 2008 review in Filipino Directed by Mark Osborne, John Stevenson Featuring the voices of Jack Black, Angelina Jolie, Dustin Hoffman, Lucy Liu, Jackie Chan Galit ako sa mga tamad. Sa mga panahon ngayon, bawal ang katamaran. Pero sa mga panahon ding ganito nakakatulog ang kaunting aliw. Si Po (boses ni Nacho Libre Jack Black) ay isang matabang panda na parang Juan Tamad - maghapong nangangarap maging pinakamahusay na Kung Fu fighter sa buong China, mas mahusay pa kaysa sa Furious Five na kaniyang iniidolo. Kahit na sa gitna ng pagwe-waiter niya sa maliit na noodle restaurant nila ng kaniyang ama, nangangarap pa rin siya. Kaya nang marinig niya ang announcement na pipiliin na ni Shaolin Master Oogway (Randall Duk Kim) ang Dragon Warrior na magiging tagapagtanggol ng Valley of Peace, agad binitawan ni Po ang mga hawak na bowl at kumaripas patungong templo. Doon nag-e-exhibition ng martial arts ang mga estudyante ni Mas...
Film reviews published in Inquirer Libre